Home 7th PISTON National Congress Registration Form

7th PISTON National Congress Registration Form

7th PISTON CONGRESS HEADER

Maalab na pagbati!

Malugod namin kayong iniimbita sa ika-7 Pambansang Kongreso ng PISTON na gaganapin sa Metro Manila (exact venue TBA) sa ika-3 ng Abril 2025 hanggang ika-5 ng Abril 2025.

Ang ating Pambansang Kongreso ay pagkakataon para sa mga delegado mula sa lahat ng mga kasaping samahan at mga balangay ng PISTON sa buong kapuluan na magbahagi ng kanilang mga karanasan at sama-samang tukuyin ang ating mga prayoridad at direksyon ng pakikibaka para sa susunod na tatlong taon.

Sa panahon ng Pambansang Kongreso, bubuo tayo ng Pangkalahatang Programa sa Pagkilos ng PISTON sa ilalim ng temang “Bawiin ang Lakas! Ibayong palawakin at patatagin ang hanay laban sa atake ng dayuhang monopolyo at rehimen! Isulong ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya”.

Dito rin tayo maghahalal ng mga panibagong pambansang pamunuan at magpapatibay o maga-amyenda ng ating Saligang Batas.

DELEGASYON

Maaaring magpadalo ang bawat kasaping samahan ng ilan mang bilang ng delegado. Ang top 3 ng kasaping samahan (President, Vice President, at Secretary) ang silang awtomatikong magiging Voting Delegates na may kapangyarihang bumoto sa ngalan ng kanilang samahan. Ngunit maaari ring mag-nomina ng ibang tatlong (3) Voting Delegate ang samahan sa kanilang ngalan.

Ang ibang delegado ng samahan, labas sa Voting Delegates, ay magiging Observer.

Maaaring mag-rehistro ng mga delegado hanggang Pebrero 16, 2025.

REGISTRATION

Ang bawat delegado (voting at regular) ay kinakailangang magbayad ng Php 2,000 na registration fee kada delegado. Ito ay gagamitin bilang pantustos sa mga gastusin natin sa Kongreso (kabilang ang venue, pagkain, materyales, atbp.)

Narito ang mga hakbang sa pagre-rehistro ng mga delegado:

01. I-REHISTRO ANG INYONG MGA VOTING DELEGATE

I-rehistro ang mga detalye ng inyong mga Voting Delegate na silang magiging responsable sa pagboto sa ngalan ng inyong samahan. Dapat personal na dumalo ang inyong mga Voting Delegate sa mismong Kongreso.

02. I-REHISTRO ANG IBA PANG MGA DELEGADO O OBSERVER

I-rehistro ang iba pang mga delegado o observer nais padaluhin ng inyong samahan.

03. BAYARAN ANG REGISTRATION FEE

Bayaran ang Php 2,000 kada delegado na Registration Fee sa porma ng cash, GCash, o bank transfer/deposit.

  • Cash: Bayaran nang personal kay Jane, Secretary for Finance ng PISTON National
  • GCash: 09686103234
  • Bank Transfer/Deposit:
    • Bank Name: Bank of the Philippine Islands
    • Acct. Name: Piston Land Transport Coalition, Inc.
    • Acct. No.: 3323-2909-53

Para sa mga magbabayad thru GCash at bank transfer/deposit, ipadala sa Facebook Page ng PISTON (https://fb.com/pistonphl) o [email protected] ang resibo o screenshot ng patunay na naipadala sa GCash o bangko ang inyong Registration Fee.

Maaaring magbayad ng Registration Fee hanggang Pebrero 24, 2025.