Home Petitions SIGN: Manawagan para sa progresibong pampublikong transportasyon!

SIGN: Manawagan para sa progresibong pampublikong transportasyon!

PISTON - strike

Available in English

Ilang dekada nang nagsisilbi sa mamamayang Pilipino ang ang mga jeepney upang magbigay ng abot-kaya at pang-masang transportasyon. Halos 40 milyong pasahero, karamihan ay mga estudyante at manggagawa ang araw-araw na naihahatid ng mga jeepney sa kanilang mga bahay, paaralan, trabaho, serbisyo, at pasyalan.

Layunin ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno ng Pilipinas na bawasan ang mga carbon emissions na binubuga ng mga jeepney. Pero hangga’t walang makatarungang transisyon na pinangungunahan ng mga manggagawa o “worker-led just transition”, magdudulot lamang ito ng pagkawala ng libo-libong kabuhayan ng mga impormal na manggagawa. Katunayan, ang kabuuang carbon footprint ng lahat ng mga jeepney ay ‘di hamak mas mababa sa pinagsama-samang emissions ng lagpas 1.27 milyong pribadong sasakyan sa bansa. Dagdag pa rito ang malubhang pandarambong sa klima at kalikasan ng mga dambuhalang lokal at dayuhang korporasyon na hanggang ngayon ay hindi pa napapanagot. Hindi dapat ang mga impormal na manggagawa, mga tsuper at maliliit na operator, ang bumubuhat sa bigat at gastusin ng pagbabawas sa carbon emissions.

Nararapat lang din na pondohan ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng mga lumang sasakyang pampasada upang matiyak na hindi mawawalan ng hanapbuhay ang mga maliliit na operator at tsuper ng jeepney. Ang mga manggagawa ang dapat nangungunang gumanansya sa mga programang ito, hindi ang mga dayuhang korporasyon, malalaking transport corporations, mga bangko, at mga kurakot na opisyales.

Ayon mismo sa Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 1,948 na ruta pa sa buong bansa ang wala pang nagko-consolidate. Sa Metro Manila pa lamang, ang pinakamalaking sentrong syudad sa bansa, meron pa ring 503 na ruta ng PUV ang hindi pa nagko-consolidate. Hindi tayo magkakaroon ng sustenableng pampublikong transportasyon kung walang suporta sa mga manggagawa at kanilang mga samahan.

Ipinaglalaban at isinusulong namin ang isang progresibo, makabayan, at makamasang pampublikong transportasyon na nagtitiyak ng isang makatao at makatarungang transisyong pinangungunahan ng mga manggagawa, nagluluwal ng mga trabaho at hanapbuhay, at nagtataguyod ng lokal na industriyalisasyon upang makamit ang pangangailangan sa isang maaasahan, ligtas, sustenable, at abot-kayang pampublikong transportasyon.

  1. Tiyakin ang “roadworthiness” ng mga sasakyang pampasada sa balangkas ng programang pro-people, worker-led just transition na pinaglalaanan ng pondo ng pamahalaan.
  2. Tangkilikin at suportahan ang mga lokal na manufacturer ng mga sasakyang pampasada. Upang mapababa ang halaga ng mga bagong sasakyan, dapat bigyang subsidyo din ng pamahalaan ang ating lokal na industriya.
  3. Itaguyod ang karapatan ng mga impormal na manggagawa sa pampublikong transportasyon at iwaksi ang pang-aagaw ng mga korporasyon sa mga pangunahing pampublikong transportasyon. Makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga manggagawa at kanilang mga samahan at unyon upang makahanap ng solusyon sa isyu ng franchise consolidation.

In partnership with the International Transport Workers Federation.

PUMIRMA:

Share